Posts

Wika ng Puso: Ang mahalagang Alitaptap ng Filipino

Image
  Wika ng Puso: Ang mahalagang Alitaptap ng Filipino Sa isang maliit na baryo sa Murong Purok 1 South, may isang batang nagngangalang Gian Alas. Si Gian ay isang masayahin at mapagmahal na bata na mahilig magbasa at magsulat ng mga tula at kwento sa wikang Filipino. Sa kanyang murang edad, natutunan niya ang kahalagahan ng sariling wika sa pagpapayaman ng kanyang kultura at pagkakakilanlan. Isang araw, habang naglalakad si Gian sa daan patungo sa paaralan, nakita niya ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng mga lumang libro sa tabi ng kalsada. Napansin ni Gian ang isang aklat na may makapal na alikabok at may nakasulat na "Mga Piling Tula ng Murong Purok 1 South". Na-curious si Gian sa aklat na iyon at tinanong ang matandang lalaki kung magkano ang halaga nito. "Ah, iyan ba ang gusto mo, anak?" tanong ng matandang lalaki. "Iyan ay isang sinaunang aklat na naglalaman ng mga tula ng mga ninuno natin sa baryo. Hindi ko alam kung sino ang sumulat nito, ngunit s...